Fifteen but can pass as a twelve year old. Senior HS, Philippine Christian University. Happy go lucky midget. Bookworm. ♥'s The Maine. Paramore. All Time Low. We The Kings. and the list goes on.
Procrastinator slash stalker.

01 Alex Gaskarths stalking me
Anonymous said: Hi ate! Just wanna ask some few tips para sa UPCAT (Oo masyadong advance). Tyaka ano po nung preparations niyo before taking the test? Btw, congratulations po! ^^
This, I must say, is one of my best Anons to date.
Hindi ko alam kung paano magbibigay ng tips pero lemme give it a try.
Stuff to do before the UPCAT:
- Review. Pwedeng mag-self review o kaya mag-enroll sa magandang review center kung gusto mo. Syempre magkaka-edge ka dahil 1) marerefresh ang knowledge mo at 2) ma-aadvance ka sa future lessons mo.
* Hindi rin gaanong totoo na kapag nag-review ka before the exam ay mamemental block ka. Depende siguro sa’yo. Kung katulad kita na mabilis makalimot, it won’t hurt checking your notes on the day or a few hours before the test.
- Be familiar with your campus and course choice. May mga UP campuses na may mas mataas na UPG kaysa sa iba. Rate yourself kung saan, sa tingin mo, ka may chance makapasa. Sa course, ganoon din. I-assess mo ang sarili mo kung maipapasa mo ang quota course o hindi. Pero kahit hindi mo maipasa ang course mo basta pumasa ka sa campus, pasado ka pa rin.
- Pray. Trust Him and yourself. Kayong dalawa ang magkatulong so kapag humingi ka ng tulong sa kanya at may sapat ka namang preparasyon, mataas ang chance mo.
Stuff to do during the UPCAT:
- Skip. Kung hindi mo alam, skip muna. Huwag manghula. Right minus 1/4 wrong ang UPCAT so you will lose more for a mistake than for an unanswered question. Sayang din ang oras mo kung gugugulan mo na panahon ‘yung tanong na ‘yun. May time pressure eh.
- Eat. Hindi ko alam kung applicable ‘to sa lahat, pero mabilis ako mag-isip kapag kumakain kaya nagbaon ako ng makukukot noon. Oreos at M&M’s ang binaon ko; chocolates kasi nakakastimulate DAW ng utak. Effective naman.
- Enjoy. Hindi ko binagabag ang sarili ko kahit may mga bahagi na nahirapan ako. Inisip ko na lang na isang beses ko lang ite-take ang test na ‘yon kaya i-enjoy ko na lang. Nag-enjoy ako noon. Nakaka-enjoy din ang resulta.
Walang kwentang tips. Hehe. Pasensya na.
Isa pa, i-divert mo ang atensyon mo sa maraming bagay pagkatapos ng UPCAT para hindi mo maisip na ang tagal lumabas ng resulta. Nakakatae at nakakakaba ang sobrang nakakainip paghihintay, promise.
Salamat pala at sana makatulong ako kahit na papaano. :)
5 notes
-
ppssssshh liked this
-
bluelacedmelody liked this
-
polengreen liked this
-
piglet-in-the-city liked this
-
infreedom liked this
-
dakilangtamad posted this